-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang mga labi ng overseas Filipino worker na si Marjorette Garcia na pinatay sa Saudi Arabia.

Sinalubong ng mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang labi ni Garcia sa paliparan.

Sinabi ni OWWA Administrator Arnell Ignacio na agad na dumiretso ang bangkay sa bahay nito sa San Jacinto, Pangasinan.

Nagbigay na rin ng tulong ang OWWA sa mga kaanak ang biktima.

Magugunitang pinatay ng kaniyang katrabaho ang biktima kung saan isang African national ang suspek na naaresto na rin ng mga otoridad doon.