Reading Time: 1 minute

NAGA CITY – Natagpuan na ang bangkay ng 16-anyos na lalaking nalunod kamakailan lamang sa ilog ng Barangay Mambalite, Libmanan, Camarines Sur.

Ito’y matapos ang halos 18 oras na search and retrieval operation ng mga otoridad.

Kinilala ang biktima na si Aljohn Margallo residente ng Barangay Del Rosario Pamplona, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ensign Bernardo Pagador Jr., station vommander ng Philippine Coast Guard-Camarines Sur, sinabi nitong nadala ang biktima ng malakas na daloy ng tubig sa malalim na bahagi ng ilog na tinatayang nasa 40 talampakan ang lalim.

Nabatid na Agosto 18, 2019 pa nang mawala ang naturang binatilyo.