ILOILO CITY – Narekober na ang 10-anyos na bata na nalunod sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ursula sa lalawigan ng Iloilo.

Nakita ang bangkay ni Roel De Asis Jr. alyas Muymuy sa boundary ng Brgy. Dancalan, bayan ng Balasano at Brgy. Batad Viejo, bayan ng Batad.

Napag-alaman na walo sa kasapi ng pamilya De Asis ang nagsumikap na mag-evacute ngunit natangay ng rumaragasang tubig-baha ang mag-ama na sina Roel De Asis Sr., Yanyan at Mimi kasama ang dalawang kamag-anak na sina Angga at Dagul.

Ang tanging nakaligtas lamang ay sina Boots at Alma na ina ng namatay na si Angga.

Sa ngayon, umabot na sa 26 ang patay sa Western Visayas batay sa tala ng Office of Civil Defense.