Opisyal nang inanunsiyo ng Top Rank Promotions ang pagkakabuo nang banggaan ng dalawang tinaguriang mga dating best amateurs sa kasaysayan ng boxing na sina Vasyl Lomachenko at Guillermo Rigondeaux.

Ayon sa Top Rank magaganap ang  pinakakaabangang showdown nina Lomachenko at Rigondeaux sa December 9, 2017 sa Madison Square Garden sa New York City.

Ang Cuban boxer na si Rigondeaux, ay hawak ang korona sa WBA super bantamweight o mas magaan na timbang na 122-pounds.

Dahil dito aakyat siya ng dalawang weight divisions upang hamunin ang Ukranian na si Lomachenko para sa WBO super featherweight title sa 130-pounds.

Si Lomachenko (9-1, 7 KOs) ay meron pa lamang isang talo habang si Rigondeaux (17-0, 11 KOs) naman ay undefeated kung saan kabilang sa kanyang naging biktima ay nang talunin niya noong taong 2013 ang dating kampeon na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire.