-- Advertisements --

Handang-handa na sa kaniyang laban si Pinoy boxer Nonito Donaire.

Gaganapin ang laban ng 42-anyos na si Donaire sa darating na Hunyo 14 sa Buenos Aires.

Makakaharap ng tinaguriang the Filipino Flash ang 28-anyos na si Andres Campos ng Chile para sa WBA Bantamweight title.

Huling lumaban si Donaire ay noong Hulyo 2023 kung saan nagwagi ito sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Alexandro Santiago at nakamit nito ang WBC world bantamweight belt.

Si Donaire ay mayroong record na 42 panalo at 8 talo na mayroong 28 knockouts.

Habang si Campos ay mayroong 17 panalo, dalawang talo at isang draw na may anim na KO.