-- Advertisements --

Nananawagan sa gobyerno ang mga lokal na prodyuser ng baboy at manok na magkaroon ng balanse sa pagitan ng pagpapalakas ng domestic production.

Ipinapanawagan din nito ang pagpuno sa mga kakulangan sa supply sa pamamagitan ng pag-aangkat upang matiyak na ang mga stakeholder ng agrikultura ay hindi maaapektuhan.

Sa isang pahayag, sinabi ng mga stakeholder ng industriya na ang susi ay bawasan ang halaga ng mga input upang magiging competitive ang mga local producers.

Sinabi ni Chris Ilagan ng American Chamber of Commerce Agribusiness Committee Chairman na “ang mas mataas na halaga ng feed kamakailan ay maaaring nakaapekto rin sa kakayahang kumita sa antas ng sakahan, na maaaring nakaapekto sa mga desisyon ng ilang mga broiler grower sa pagbaba ng antas ng produksyon.

Inihayag naman ng pangulo ng National Federation of Hog Farmers Inc. na si Chester Tan na sa kanilang pakikipagpulong kay Pangulong [Ferdinand] Marcos Jr., sumang-ayon sila na mag-organisa ng isang working group kasama ang Department of Agriculture at mga pribadong stakeholder upang magpulong buwan-buwan at talakayin ang mga numero ng demand at supply at hanapin ang mga puwang na maaaring punan ng importasyon.

Sinabi naman ni Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) president Edicio dela Torre na ang pagbaba ng mga taripa at pagtaas ng import volume para sa iba’t ibang mga bilihin ay dapat humila ng mga presyo at makapagpabagal sa inflation.

Napag-alaman na base sa market monitoring ng Department of Agriculture (DA), ang presyo ng pork ay nasa P325.00 hanggang P380.000 kada kilo habang ang manok ay nasa P190.00 kada kilo.

Magugunitang noong isang buwan, bahagyang tumaas ang presyo ng baboy sa P340 hanggang P390 habang ang presyo ng manok ay nasa P200.