-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga bakunang laban sa COVID-19 ang natanggap ng bansa.

Pasado alas-4 ng hapon ng Oktubre 1 ng dumating ang 883,350 doses ng Pfizer-BioNTech.

Ang nasabing bakuna ay bahagi ng 10 milyon doses na binili ng gobyerno sa US sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Nasa mahigit 17 milyon doses ng Pfizer mula sa nasabing pasilidad ang natanggap ng bansa.

Habang nasa 2.5 milyong doses ng Sinovac vaccine ang dumating din pasado ala-5 ng hapon din iyon sa Ninoy Aquino International Airport.