Kinumpirma ngayon ni Filipino boxing legend Manny Pacquiao ang magiging laban nila ni Keith “One Time” Thurman sa darating na Hulyo.

Inanunsyo ni Pacquiao sa kanyang mga social media accounts nitong araw na makakasagupa niya si Thurman sa Hulyo 20 ng taong kasalukuyan.

Una rito, nasungkit ni Pacquiao ang unanimous decision victory kontra Adrien Broner sa kanilang bakabkan noong Enero.

Ang naturang laban ang unang pagkakataon na nadipensahan ng Pinoy boxing icon ang kanyang regular WBA welterweight belt na kanyang napanalunan kontra Lucas Matthysse noong Hulyo 2018.

Samantala, si Thurman naman ay huling lumaban noong Enero 2019 din.

Kanya namang nadipensahan ang kanyang “super” version ng WBA welterweight belt nang igupo si Josesito Lopez via majority decision.