BAGUIO CITY – Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang nakamotorsiklong pinagbabaril ang bahay ng isang municipal councilor candidate at asawa nitong opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Pamutic, Pidigan, Abra pasado alas-12 nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon kay P/Maj. Carol Lacuata, information officer ng Cordillera PNP, dalawang lalaking nakamotorsiklo ang nagpa-ulan ng bala ng baril sa bahay nina Ruby Anin Belandres Valera na kandidato sa pagkakonsehal ng Pidigan, Abra at Rene Velasco Valera na assitant director ng Office of Project Development Services ng DILG Central Office.

Sinabi niya na natamaan ang gutter ng bahay ng mga Valera.

Nakatagpo naman ang mga pulis ng tatlong basyo ng bala sa nasabing bahay na may distansiyang tigdalawang metro.