-- Advertisements --
Hindi itinanggi ng Department of Information and Communications Technology’s (DICT) na napasok ng computer hackers ang isang bahagi ng kanilang website.
Sinabi ni DICT Spokeperson Assistant Secretary Renato Paraiso, na ang kanilang “Sandbox” website na ginagamit ng ahensiya para masubukan ang suspicious programs ay napasok umano ng hackers.
Paglilinaw nito na hindi naapektuhan ang main website at mga data ng DICT.
Ang nasabing “Sandbox” aniya kasi ay siyang lugar kung saan sinusubukan ang mga malisyosong codes na hindi nakakaapekto sa host networks.