-- Advertisements --

Lumubog ng ilang pulgada ang asphalted Quibal Road sa Peñablanca, Cagayan nitong Linggo, Nobyembre 23, matapos lumambot ang lupa sa ilalim dulot ng ilang araw na walang patid na ulan dulot sa shear line at northeast monsoon, ayon sa Peñablanca Information Office.

Nagsimula ang kalsada na magkaroon ng mga bitak na kalauna’y lumaki, bago tuluyang lumubog ang gilid ng daan bandang alas-9 ng umaga. Dahil dito, isinara ang bahagi ng kalsada nang ilang oras.

Nagbabala ang lokal na pamahalaan sa mga residente at motorista na iwasang bumiyahe sa lugar hanggang sa may bagong abiso.

Agad namang nagpadala ng dump trucks ang public works at local officials at nagbuhos ng graba bilang pansamantalang solusyon upang makadaan ang one-lane traffic.

Sa mas malapitan na inspeksyon, nakita din ang malalaking bitak sa lumubog na bahagi ng kalsada na nagdulot ng hinala mula sa ilang opisyal na posibleng substandard ang pagkakagawa.

Wala pang tugon ang mga public works officials hinggil sa isyu.