-- Advertisements --
Humina na ang bagyong Queenie habang nasa silangang bahagi ng ating bansa.
Ayon sa Pagasa, naging low pressure area (LPA) na lamang ito sa nakalipas na mga oras.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 420 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Gayunman, aasahan pa rin ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng ating bansa dahil sa nagkalat na ulap mula sa dating bagyong Queenie, pati na ang mga naiwan ng nagdaang bagyong Paeng.
Posible rin ang isolated thunderstorm sa dakong hapon at gabi.