-- Advertisements --

Lumakas pa sa nakalipas na magdamag ang bagyong nasa silangan ng Pilipinas.

Ayon sa Pagasa, nasa kategorya na ito bilang tropical storm at binigyan ng international name na “Goni.”

May taglay itong hangin na 65 kph at pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran sa bilis na 10 kph.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 1,705 km sa silangan ng Central Luzon.

Inaasahang papasok ito sa Philippine area of responsibility ngayong araw.