-- Advertisements --

Lalo pang lumakas ang bagyong may international name na “Haishen” habang papalapit sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa ulat ng Pagasa, maaaring bukas pa ito pumasok sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Hindi naman ito inaasahang tatama sa Philippine landmass, dahil magiging pataas ang direksyon nito.

Huling namataan ang sentro ng typhoon Haishen sa layong 1,695 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.

May taglay itong lakas ng hangin na 130 kph at may pagbugsong 160 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.