-- Advertisements --

Nakataas na sa full alert status mula sa dating heightened alert ang Philippine National Police (PNP) bilang obserbasyon ng Araw ng Paggawa o Labor Day sa Mayo Uno.

Ayon kay PBGen. Randulf Tuaño, ang tagapagsalita ng PNP, na sa ilalim ng full alert status ay ipapatupad nila ang suspensyon ng mga leaves, pinaigting na police visibility, pagpapakalat ng mga kapulisan at activation ng mga support forces ganun din ang mandatory coordination sa mga iba’t-ibang ahensiya.

Paglilinaw nito na wala pa silang anumang banta ng seguridad silang natatangap subalit mahigpit ang kanilang pagbabantay o monitoring.

Nasa mahigit 100,000 na mga kapulisan ang ipapakalat kung saan karamihan dito ay sa National Capital Region dahil dito ang may maraming aktibidad sa araw ng paggawa.

May ugnayan na rin ang PNP sa bawat local government unit para malaman kung ilang grupo ang nakakuha na ng permit para magsagawa ng kilos protesta.