Inanunsyo ng state weather bureau na ang trough ng Tropical Storm Mekkhala ay nakaaapekto na sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ayon sa ulat ng ahensya, ang sentro ng bagyo ay nasa 1,480 kilometro silangan ng Southeastern Luzon at kasalukuyang nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Kapag pumasok sa PAR, bibigyan ito ng lokal na pangalang “Francisco” na magiging ika-anim na bagyo sa taong 2026.
Taglay ng bagyo ang maximum sustained winds na 85 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso hanggang 105 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras, at patuloy na binabantayan ang posibleng paglapit sa bansa sa mga susunod na araw.
Pinayuhan ang mga residente sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao na maging alerto sa posibleng malakas na ulan at pagbaha dulot ng trough ng bagyo.
















