Nagsumite sa Department of Justice ang ilang online media personalities ng kanilang kasagutan sa reklamong isinampa ni dating Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Byron Cristobal o kilala rin bilang ”Banat By’, sila’y personal nagtungo sa kagawaran upang isumite ang ‘rejoinder’ sa prosekusyon.
Patungkol aniya ito partikular sa reklamong ‘cyber-libel’ na isinampa ng dating mambabatas laban sa kanila kamakailan.
Nag-ugat ang reklamo bunsod sa umano’y pagpapakalat ng impormasyon na tumanggap umano ng 2-milyon dolyar si Trillanes na siyang kanya nang pinabulaanan.
Ngunit apela ni Byron Cristobal na iwasan ang pagiging ‘balat sibuyas’ lalo na kapag nakatatanggap raw ng kritisismo.
Gayunpaman, tiwala ang naturang indibidwal na ang Department of Justice ay magiging patas sa pagdinig ng reklamo.
Umaasa aniya siyang papabor sa kanila ang magiging desisyon ng prosekusyon kasunod nang magsumite ng kasagutan.















