-- Advertisements --
Tuluyan nang lumakas bilang panibagong bagyo ang binabantayang low pressure area sa silangan ng Pilipinas.
Binigyan ito ng local name na Paolo na siyang ika-16 na sama ng panahon para sa taong 2025.
Huling namataan ang naturang bagyo sa layong mahigit 800 km sa silangan ng Catanduanes.
May lakas itong 45 kph at inaasahang lalakas pa sa mga susunod na oras.
Inaasahang lalapit pa ito sa kalupaan ng Bicol region sa mga darating na araw.