Nasa Mindoro Strait na ang sentro ng Bagyong Opong nitong hapon ng Biyernes, Setyembre 26, 2025.
Ayon sa pinakahuling ulat mula sa Busuanga Doppler Weather Radar, namataan ito sa baybayin ng Santa Cruz, Occidental Mindoro.
Mapanganib pa rin ito kahit nakailang landfall na mula kagabi.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 110 km/h malapit sa gitna, at bugso na hanggang 150 km/h. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 35 km/h. Ang lakas ng hangin mula sa bagyo ay umaabot hanggang 440 kilometro mula sa gitna.
Signal No. 3 – Occidental Mindoro at Calamian Islands
Signal No. 2 – Timog Cavite, Batangas, Marinduque, Oriental Mindoro, kanlurang bahagi ng Romblon, Cuyo Islands, at hilagang bahagi ng mainland Palawan at Caluya Islands.
Signal No. 1 – Pangasinan, timog Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, natitirang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, natitirang bahagi ng Romblon, at hilagang mainland Palawan. Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, hilagang bahagi ng Negros Occidental, at Bantayan Islands.