-- Advertisements --

Bahagyang bumilis ang galaw ng Tropical Depression Luis habang nasa baybayin ng Divilacan, Isabela.

Ayon sa state weather bureau, ang sentro ng bagyo ay natukoy sa coastal waters ng naturang bayan at kumikilos ito pa-Northwest sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa sentro at bugso na hanggang 60 kilometro kada oras.

Nakataas ang Signal No. 1 sa Central at Eastern Cagayan (Enrile, Lungsod ng Tuguegarao, Peñablanca, Piat, Santo Niño, Camalaniugan, Tuao, Lal-Lo, Gonzaga, Alcala, Amulung, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Solana, Rizal, Santa Ana, Gattaran, Iguig, Lasam, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Pamplona) kabilang ang Babuyan Islands (Camiguin Island, Fuga Island, Didicas Island), Isabela, Quirino, silangan at timog na bahagi ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Conner, Pudtol, Luna), silangang bahagi ng Kalinga (Lungsod ng Tabuk, Tanudan, Pinukpuk, Rizal), silangang bahagi ng Mountain Province (Paracelis, Natonin), silangang bahagi ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista), at hilagang bahagi ng Aurora (Dinalungan, Casiguran, Dilasag, Dipaculao).

Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maghanda laban sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng malalakas na ulan at hangin.

Patuloy na mino-monitor ng mga eksperto ang galaw ng bagyo at inaasahang magdadala ito ng masamang panahon sa hilagang Luzon sa mga susunod na araw.