-- Advertisements --
Bumilis pa ang tropical storm Inday habang nananatili sa silangang bahagi ng Pilipinas.
Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), maaari pa itong lumakas sa mga susunod na araw at makahatak ng habagat.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,130 km sa silangan ng Central Luzon.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.
Taglay na ng tropical storm Inday ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.
Sa ngayon, wala pang nakikitang posibilidad na dadaan ito sa landmass, ngunit posibleng magpalakas ng ulan ang extension nito sa ilang bahagi ng ating bansa.