japan economy
-- Advertisements --

Kinumpirma ng Japanese Health Ministry na nadapuan ng bagong variant ng COVID-19 ang isang Filipino na dumating sa kanilang bansa galig sa Pilipinas.

Ang nasabing variant aniya ay kakaiba sa mga nadiskubre sa Britain, South Africa at Brazil subalit delikado pa rin ito.

Base sa ulat ng Ministry of Health, Labor and Welfare, nasa edad 60 ang lalaki na dumating sa Narita airport sa Tokyo noong Pebrero 25 at ito ay asymptomatic.

Nagpositibo iot matapos ang pagsasailalim niya ng quarantine sa airport.

Dahil dito ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga health officials ng bansa.

-- Advertisement --