Naitala ang 193 na bagong kaso ng Coronavirus disease (COVID-19) kahapon kaya umakyat na sa 3,685,222 ang kabuuang tinamaan ng naturang virus mula nang nagka-pandemic sa bansa noong taong 2020.
Ayon sa Department of Healht (DoH), naitala naman kahapon ang pinakamababang active case na 9,585 mula sa 10,576 na kaso noong Miyerkules.
Kabilang pa rin sa top regions na may active covid case sa nakalipas na dalawang linggo ang National Capital Region (NCR) na mayroong 1,045 at sinundan ng Region 4-A na may 396 at Region 3, 252.
Nakapagtala naman ng 3,615,370 na recoveries ng covid ang DoH habang ang mga namatay naman ay 60,267.
Una rito, sinabi ng DoH na ang First Omicron subvariant na BA.2.12 case ay mayroong 44 close contacts.
Aabot naman sa 21,651 individuals ang dumaan sa testing at 315 na testing laboratories ang nagsumite ng datos noong Miyerkules, April 27.
Ang nationwide bed occupancy ay bumaba na sa 16.8 percent habang 5,369 ang occupied at 26,530 ang bakante.