-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Sinuri ni Cotabato Governor Nancy Catamco ang mga bagong kagamitan para sa mga COVID facilities at pampublikong ospital sa buong probinsya ng Cotabato.

Aabot sa halagang P100 million ang mga kagamitan tulad na lamang ng mga higaan, medicine cabinets, stretchers, anesthesia machines, ventilators, at oxygen regulators.

Lahat ng ito ay para mas lalo pang paigtingin ang paglaban sa pandemya at upang matugunan na rin ang mga kakulangan sa mga pampublikong ospital sa probinsya.

Pinaglaanan ng pondo ni Gov Catamco ang mga nasabing kagamitan at dito rin napunta ang perang mula sa Bayanihan Act.

Binisita rin ng gobernadora ang itinatayong Provincial Health Office Building.

Ang naturang gusali ay dalawang palapag at mayroong mga opisina at pasilidad.

Mayroon itong auditorium na may kapasidad na 112 k tao na may mga silyang may built-in desks at malapad na function hall.

May operational center din para sa supplies, HIV-AIDS, typhoid, at iba pa.

Nagkakahalaga ang proyektong ito ng P27 million.