-- Advertisements --

Walang nagbago sa trabaho ni AFP Chief Gen. Felimon Santos sa kanyang Bagong designasyon bilang Chairman of the Joint Chiefs.


Ito ang nilinaw ni AFP Spokesperson MGen. Edgard Arevalo kaugnay ng lumabas na Department order 174 ng Dept. of National Defense na may petsang June 19, 2020.

Sa nasabing Department order, binigyan ng mga bagong titulo ang AFP Chief, na tatawaging Chairman of the Joint Chiefs; ang Vice Chief of Staff, tatawaging Vice Chairman of the Joint Chiefs; ang Deputy Chief of staff na tatawaging Chief of the Joint staff; at mga major service commanders, na tatawaging “Chief” ng Army, Navy at Airforce sa halip na commanding general.

Ayon kay Arevalo, wala ding nagbago sa mga posisyon ng mga naturang opisyal kundi ang kanilang titulo.

Paliwanag ni Arevalo, Ito ay para pumarehas narin sa tawag ng mga ibang bansa sa rehiyon sa kanilang mga military leaders para maiwasan ang kalituhan.

Hindi pa aniya fully implemented ang order, pero sinimulan narin aniya ng AFP ang pag-disseminate ng mga bagong titulo sa kanilang mga unit upang hindi rin malito ang mga ito sa mga bagong titulo.