Reading Time: 1 minute

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakdang sampahan ng kasong kidnapping ang isang miyembro ng LGBT community matapos mangidnap ng bagong silang lamang na sanggol sa Puericulture Center Barangay 16, Gingoog City.

Ito ay matapos mahuli kagabi ang suspek na si Richard aka Junjun Bernades, 20, na taga-Brgy 19 sa naturang lungsod.

Una nang ninakaw ng suspek ang sanggol habang natutulog ang ina na si Marichu Villegas sa nabanggit na lugar, Linggo ng madaling araw, Setyembre 1.

Sinabi ni Gingoog City police station commander Lt. Col. Phillip Pontillas, dahil sa kagustuhan umano ni Bernades na magkaroon ng anak kaya naisipan nitong magnakaw.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek habang isinailalim naman sa medical check up ang sanggol.