ILOILO CITY – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa Brgy. Dolores, Balasan, Iloilo matapos na gilitan ang leeg ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PSSgt. Bryan Montaño, imbestigador ng Balasan Municipal Police Station, sinabi nito na maliban sa gilit sa leeg, meron ding sugat ang biktima sa kanyang kamay at iba pang bahagi ng katawan na sanhi ng pagkakasaksak.

Ayon kay Montaño, bago pa mangyari ang insidente namataan pang umiinom ang biktima kasama ang isang lalaki.

Ani Montaño, malaki ang posibilidad na nanlaban ang biktima kaya malalim ang natamo niyang sugat sa katawan.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing insidente.