-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Binawian ng buhay ang isang babae matapos masangkot sa aksidente ang sinakyang motorsiklo sa Pambansang Lansangan a barangay Osmeña, Ilagan City .
Ang binawian ng buhay ay si Jonalyn Laman, 35 anyos.
Ang tsuper ng motorsiklo ay ang kinakasama ng biktima na si Jojo Alfonso, 33 anyos na residente ng Brgy San Andres, Santiago City.
Papauwi na ang mga sakay ng motorsiklo nang makarating sa pakurbadang daan ay biglang sumulpot ang isang sasakyan na umagaw pa ng linya sanhi para mabangga ang motorsiklo.
Nagtamo naman ng minor injury si Alfonso.
Nagawa pa ng mga kasapi rescue 1124 na isugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician ang babaeng biktima.