-- Advertisements --

Papayagan na rin ng gobyerno sa mga susunod na araw ang back-riding sa motorsiklo kapag naisapinal na ang mga safety protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa nasabing transportasyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang DOTr (Department of Transportation), kasama ang DOST (Department of Science and Technology), DOH (Department of Health), MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) at DTI (Department of Trade and Industry) ay inatasan na magpulong at alamin ang pinakaligtas at epektibong paraan para mabawasan ang transmission sa back-riding sa mga motorsiklo.

Ayon kay Sec. Roque, kaya malapit na ang pagbabalik ng back-riding pero kinakailangan na ang NTF (National Task Force) ang mag-issue ng mga guidelines.

Inihayag ni Sec. Roque na ang “approved in principle” na ang back-riding at hintay-hintay na lamang sa ilalabas na requirements ng Technical Working Group.

“Ang DOTr (Department of Transportation), kasama ang DOST (Department of Science and Technolgy), DOH (Department of Health), MMDA (Metropolitan Manila Development Authority), at DTI (Department of Trade and Industry) ay inatasan na magpulong at alamin ang pinakaligtas at epektibong paraan para mabawasan ang transmission sa back-riding sa mga motorsiklo,” ani Sec. Roque.

“So malapit na po ang back-riding pero kinakailangan na ang NTF (National Task Force) ang mag-issue ng mga guidelines.”