Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO – Patay on the spot ang isang back-rider nang manlaban sa mga otoridad sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Rofelio Calderon na residente ng Townsite Parang, Maguindanao.

Ayon kay Parang chief of police, Lt. Col. Ibrahim Jambiran na nagsagawa sila ng sorpresang highway checkpoint sa bahagi ng Sitio Malingaw, Barangay GT Biruar, Parang, Maguindanao.

Nang Makita ng riding in tandem suspects ang checkpoint ng mga pulis ay agad itong umiwas pabalik sa direksyon ng kanilang pinagmulan.

Bumaba si Calderon sa motorsiklo at nakipagbarilan sa mga humahabol na pulis.

Tinamaan ang suspek sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan habang nakatakas naman ang nagmamaneho ng motorsiklo.

Patay on the spot ang suspek at narekober sa kanyang posisyon ang isang .38 revolver at isang malaking pakete ng shabu.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Parang PNP sa naturang pangyayari.