-- Advertisements --
Sugatan ang isang babae matapos na sumabog ang tangke ng LPG sa kaniyang tinutuluyang apartment sa Bangkal sa lungsod ng Makati.
Itinakbo na sa pagamutan ang biktimang si Fredelyn Lopez matapos magtamo ng paso sa mukha, braso, binti.
Ayon sa bikitma na biglang nagliyab ang nasabing tangke ng magsindi ito sa burner.
Dahil dito ay nasunog ang bahagi ng apartment na agad namang naapula ng mga rumespondeng bumbero.