VIGAN CITY – Selos ang hinihinalang rason kung bakit binaril patay ng isang lalaki ang kalive-in partner nito sa sa Brgy. Nagsingcaoan, Galimuyod, Ilocos Sur.

Nakilala ang biktima na si Anita Angel Fernando, 38, residente ng Ayusan, Sta. Lucia habang ang suspek naman ay ang kinakasama nitong si Gilbert Nanag, 39, taga-Barangay Legaspi sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Vigan kay PCpt. Pol Arreola ng Galimuyod PNP, boluntaryo naman umanong sumuko ang suspek sa Banayoyo PNP at hanggang sa ngayon ay masusi pa rin nilang iniimbestigahan ang pangyayari.

Maliban dito, hindi rin lubos umano akalain ng mga kasapi ng pamilya ng biktima na magagawa ng suspek na patayin ang kinakasama nito dahil tiwala umano silang mabait ito na madalas pang dumadalaw sakanila.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ng mga otoridad kung anong klaseng baril ang ginamit ng suspek sa nangyaring krimen.