Reading Time: 1 minute

(Update) BUTUAN CITY – Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng Veruela, Agusan del Sur upang makilala at mapanagot ang responsable ng naganap na pamamaril-patay sa isang babae.

Una nang nakilala ang biktima na si Diosdado Radores Abogada, 59, residente ng naturang bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pinasok ng hindi kilalang suspek ang biktima sa loob ng kanyang bahay at doon na pinagbabaril sa harapan ng kanyang mga kaanak.

Blangko ang kanyang mga kaanak sa motibo ng krimen dahil wala silang nalalamang may nakaaway ito.

Patuloy pa rin naman ang imbestigasyon ng PNP Agusan del Sur.