BUTUAN CITY – Personal na pinarangalan ni PBGen Christopher Abrahano, regional director ng Police Regional Office o PRO-13, ang tatling mga pulis na sakop ng Bunawan Municipal Police Station sa bayan ng Bunawan, Agusan del Sur.
Ito’y sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng Medalya ng Sugatang Magiting at financial assistance nang sila’y binisita ng heneral sa Valentina Galido Plaza Memorial Hospital kahapon, Mayo a-29.
Ayon kay PMajor Jennifer Ometer, tagapagsalita ng PRO-13, nagtamo ng saksak sa kanyang kaliwang kili-kili si PMSgt Frank Ayop Cercado, habang sa kanyang kaliwang braso naman si PCpl Rysan Dalayap nang pagsasaksakin sila ng nag-amok na magsasakang si alyas Arman gamit ang kutsilyo, sa Sitio Guitas, Barangay Bunawan Brook, sa bayan ng Bunawan, matapos nila itong nirespondihan kahapon ng umaga.
Habang ang ikatlong pulis na rumesponde ay nagtamo din ng fracture sa kanyang kaliwang kamay at kahit sa kanilang naranasan, ay kanila pa ring na-subdue at nahuli ang suspetsado na kinasuhan na ng direct assault upon persons in authority.