-- Advertisements --

Handang buksan na ng New York ang mga karera ng kabayo at auto racing kahit na walang mga audience dahi sa coronavirus pandemic.

Sinabi ni New York Governor Andrew Cuomo, itinakda sa Hunyo 1 ang pagbubukas ng Watkins Glen International auto race circuit at ilang mga horse racing tracks.

Pinuri naman ng New York Racing Association (NYRA) ang operator ng tatlong major horse racing tracks ang naging desisyon na ito ng kanilang gobernador.

Nauna ng sinimulan ng NASCAR ang kanilang karera nitong Sabado sa South Carolina matapos ang dalawang buwan na pagkakaantala.