-- Advertisements --

Patay sa aksidente ang sikat na Austrian extreme sports pioneer na si Felix Baumgartner sa edad na 56.

Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan sa Italy, nawalan ng kontrol sa Baumgartner sa kaniyang motorized paraglider habang lumilipad sa Porto Sant Elpidio sa central Marche region.

Nahulog ito malapit sa swimming pool ng isang hotel sa nasabing lugar.

Naniniwala ang mga otoridad na maaring habang nasa ere pa lamang siya ay nakaranas na ito ng sudden medical issue.

Nakilala si Baumgartner sa pamamagitan ng record-breaking na pagtalon nito sa dulo ng kalawakan noong 2012.

Sa nasabing record breaking jump ay nakasuot siya ng special suit at tumalon mula sa balloon na may 38 kilometro sa ibabaw ng mundo.

Dahil dito ay siya ang naging unang skydiver na nakabasag ng sound barrier na sinusukat ng mahigit 690 mph.