-- Advertisements --

Nagtala sa kauna-unahang pagkakataon ang Australia ng H5N1 strain ng bird flu.

Ayon sa agriculture ministry ng Australia , nadiskubre ito sa migratory seabird na brown skua sa Western Australia.

Nakita ang ibon sa karagatan ng Cape Le Grand National Park malapit sa bayan ng Esperance.

Ang Australia kasi noon ay siyang tanging kontinente na hindi nadadapuan noon ng H5N1 bird flu strain.

Mabilis na kumalat ang strain sa mga poultry at sa lugar kung saan marami ang mga wild bird.