Nagawang maitabla ng Atlanta Hawks ang serye sa tig-dalawang panalo makaraang masilat ang Philadelphia Sixers, 103-100, sa game 4 ng Eastern Conference semifinal.
Nasayang ang 18 puntos na kalamangan ng Sixers nang mahabol ito ng Atlanta.
Minalas pa ang Sixers nang pansamantalang ilabas sa game lalo na sa second quarter ang kanilang big man na si Joel Embiid bunsod nang dinaranas na injury sa kanyang kanang paa.
Muling bumida sa panalo ng Hawks si Trae Young na nagbuhos ng 25 points at 18 assists makaraang inalat sa unang bahagi ng laro.
Sa panig ng Sixers si Embiid ay nagtapos sa 17 points at 21 rebounds.
May tiyansa pa sanang mahabol at maitabla ang laro sa huling segundo pero sumablay ang 3-pointer ni Seth Curry.
Ang Game 5 ay gagawin sa Huwebes sa teritoryo ng Philadelphia.