EGAMES LA UNION
E-games casino and resort in La Union

(Update) LA UNION – Binawian na ng buhay si Bauang, La Union Association of Barangay Captain President Noel “Wowie” Gallardo habang ito ay nilalapatan ng lunas sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Una rito, binaril ng suspek na si Jeffrey Escobal, 40, si Gallardo habang ito ay naglalaro umano sa e-games casino sa isang resort sa bayan ng Bauang nitong gabi ng Miyerkules.

Batay sa ulat ng Bauang Police Station, nilapitan at binaril ang biktima ng suspek habang naglalaro ng slot machine.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos nitong mabaril ang punong barangay.

Sa ngayon patuloy pa rin ang pagkalap ng ebidensya ng mga police investigators na maaaring gamitin laban sa suspek na si Escobal ng Aurora, Isabela