GENERAL SANTOS CITY – Mixed emotion ang damdamin ni Elliver Cablitas asawa ng biktima sa Maguindanao massacre na si Maritess Cablitas dahil iilang oras na lamang ibaba na ang hatul sa mga akusado sa bansag na “trial of the century ” .

Excited dahil mabigyan na rin ng hustisya ang pagpatay sa 58 biktima na isang dekada ng nakaraan.

Panalangin pa nito kay Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn-Solis Reyes na sana magiging paborable sa mga biktima ang desisyon ng korte.

Kung makuha man ang hustisya para sa mga biktima patunay lamang na walang kinikilingan ang justice system ng bansa.

Sinabi din nito na hindi makasama para pakinggan ang promulgasyon dahil pumunta na ng Manila ang anak para makinig sa hatul.

Una nang sinabi na magiging “early Christmas gift” umano para sa mga pamilya ng Maguindanao massacre victims kapag panigan ng hustisya at hahatulan ang mga akusado sa promulgasyon ng nasabing kaso.