Naniniwala ang beteranong boxing promoter na si Bob Arum na dapat nang magretiro si Sen. Manny Pacquiao kung hindi nito mapipilit si Floyd Mayweather Jr. para sa isang rematch.

Ayon kay Arum, nais niya raw makita na isabit na ni Pacquiao ang kanyang boxing gloves sa lalong madaling panahon.

Paglalahad pa ng Top Rank CEO, maaari raw magtamo ng malalang pinsala si Pacquiao kung ipagpatuloy pa nito ang kanyang boxing career.

“Pacquiao, I promoted him for many, many years,” wika ni Arum.

“He’s an exceptionally good human being, really a fine guy, extraordinarily charitable and a delight.

“But he’s (almost) 41-years-old. And if you’re 41 you can’t take punishment. You can’t take blows like he did in the Thurman fight.

“Sure, he won that fight – but he took a lot of punishment. That punishment is going to have a serious effect on how he lives the rest of is life.”

Una nang naghayag ng kanyang pangamba si Arum na baka dumanas ng brain damage si Pacquiao bago ang laban nito kay Keith Thurman noong Hulyo.

Pero iginiit ng fighting senator na wala umanong dapat na ipag-alala ang kanyang dating promoter.