Hindi pabor si Top Rank CEO Bob Arum na umakyat ng weight division si Filipino boxing champion Manny Pacquiao para makalaban lamang si middleweight knockout artist Gennady Golovkin.

Sinabi ni Arum, delikado para sa Fighting Senator ang nasabing hakbang dahil mas malaki si Golovkin.

Lubhang mapanganib din aniya kay Pacquiao ang laban dahil maninibago raw ito sa panibagong timbang lalo pa’t komportable naman ito sa welterweight division.

Ilan umano sa mga nararapat na labanan ng Pinoy boxing legend sa ngayon ay sina Terence Crawford at si Errol Spence Jr.

Magugunitang inilutang ng trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach ang posibilidad na makalaban nito si Golovkin.