-- Advertisements --

CEBU CITY — Nakauwi na sa kanyang tirahan si Cebu Archbishop Jose Palma at ang Auxiliary Bishop-Emeritus Antonio Rañola matapos na gumaling sa sakit na COVID-19.

Sa inilabas na mensahe, nagpapasalamat si Palma sa mga nagdasal para sa kanilang agarang paggaling.

Lubos din ang pasasalamat ng arsobispo sa mga doktor at caregivers na nag-aalaga sa kanila habang ito’y nasa pagamutan.

Samantala, sinabi rin ni Palma na tuloy pa rin ang magarbong pagdiriwang sa ika-500 anibersaryo ng Kristyanismo sa Pilipinas.

Maalalang dinala sa Perpetual Succour Hospital ang arsobispo noong Pebrero 19 nang nagpositibo ito sa COVID-19 at napag-alamang nanatili sa pagamutan sa loob ng ilang araw.

Kasali sa mga na-isolate ang close contact ni Palma na si Bishop Rañola.