CAGAYAN DE ORO CITY – Sumailalim na sa self-quarantine na ang commanding officer ng 103rd Infantry Battalion (IB) kasama ang pitong iba pang sundalo sa Kampo Ranao, Marawi City, Lanao del Sur.
Una rito, kinumpirma ni 103rd IB commander BGen. Jose Maria Cuerpo na dinapuan siya ng coronavirus disease (COVID-19) habang nasa isang peace and order operation sa nasabing lugar noong huling linggo ng Pebrero.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Cuerpo na posibleng nakuha niya ang virus mula sa isa sa kanyang military staff dahilan kaya halos 10 sila ang naka-quarantine.
Wala naman daw dapat ipag-alala at asymptomatic naman daw ito.
Kinumpirma rin ng heneral na halos patapos na ang kanyang 14-day mandatory quarantine period.
Ang Lanao del Sur ang isa mga probinsya sa Mindanao na mayroong mataas na bilang ng positibong kaso simula nang makapasok ang COVID-19 sa bansa.