-- Advertisements --
NPA BUTUAH PHOTO
Arms cache

BUTUAN CITY – Matagumpay na narekober ng mga tauhan ng 30th Infantry ‘PYTHON’ Battalion ang isang arms cache sa bukiring bahagi ng Sitio Tumay-as, Brgy Ferlda, sa bayan ng Alegria, Surigao del Norte.

Laman dito ang apat na AK 47 rifles at apat na mga magazines na pag-aari ng mga miyembro ng Sandatahang Yunit Pang-Propaganda (SYP) 16C, Guerrilla Front 16 (GF16), ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Lt Col Allen Raymund Tomas, commanding officer ng 30th IB, inihayag nitong nalaman nila ang kinalalagyan ng mga armas matapos ikinumpisal ng mga dating rebeldeng sumuko sa nasabing brigada.

Dagdag pa ng opisyal, kasama sa nagmamay-ari sa naturang mga armas ay ang mga dating rebeldeng napatay sa engkwentro o kaya’y nag-lie low muna at yaong tuluyan ng kumalas sa makaliwang kilusan.

Aminado ang opisyal na functional pa ang nasabing mga armas.