haitis
-- Advertisements --

Nagbabala ang lider ng 400 Mawozo gang na dumukot sa 17 Christian missionaries sa Haiti na kanila itong pagpapatayin kapag hindi naibigay ang kanilang kahilingan.

Sa inilabas na video ng grupo, binalaan nila ang mga otoridad na gagawin nila ang pagpatay kapag hindi pa naibibigay ang ransom na kanilang hinihingi na $17-milyon.

Binantaan din ng kanilang lider si Haiti Prime Minister Ariel Henry at hepe ng National Police Leon Charles na mayroong masamang mangyayari sa kanila.

Magugunitang dinukot ng grupo ang Ohio-based Christian Aid Ministries pagkagaling nila sa bahay ampunan sa Port-Au-Prince.

Sa nasabing bilang 16 dito ay mga Americans at isa ang Canadian na kinabibilangan limang bata na ang pinakabata ay walong -buwang gulang.

-- Advertisement --