Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na pupunta siya sa China para makipag-usap ng maayos at hindi makipag-away kaugnay sa arbitral ruling.
Pahayag ito ni Pangulong Duterte sa harap ng nakatakda niyang pagharap kay Chinese President Xi Jinping para pormal na igiit ang pagkakapanalo ng Pilipinas sa kaso laban sa China sa South China Sea.
Pupunta aniya siya sa China para ayusin at resolbahin agad ang mga isyu kaugnay sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Ayon kay Pangulong Duterte, wala siyang balak makipag-away sa China at hindi siya magde-deploy ng tropa ng militar sa Pag-asa Island o saan mang islang inaangkin ng Pilipinas.
Inihayag ni Pangulong Duterte na ang kanyang gagawin ay pagtupad sa kanyang pangako na bago matapos ang termino, ay ii-invoke nito sa China ang arbitral ruling na naipanalo ng Pilipinas sa Aquino administration.
“Makipag-away kayo, kayo lang. It’s a geopolitics. ‘Yung arbitral ruling pag-usapan natin ‘yan. That’s why I’m going to China. I’m not going to tell you the agenda. I’m going to China to talk. Did I not tell you before that before my term ends we will be talking about China Sea? Sinabi ko sa inyo ‘yan,” ani Pangulong Duterte.
“I’m going there because there are now some ano, ‘yung mga sparkles na which need to be addressed immediately. Ayaw ko ng away pati… May basketball doon ngayon eh. [laughter] World. At saka ayaw ko ng away ng China. I told them hindi talaga ako papayag. No troops will be stationed in the Pag-asa Island or anywhere.”