-- Advertisements --

Nagpasalamat si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagiging decisive at inaprubahan nito ang 2024 pambansang badyet nang hindi bineto ang mga hindi nakaprogramang probisyon ng pondo.

Sa isang pahayag sinabi ni Co na ang unprogrammed funds ay makakatulong sa gobyerno sa anti-inflationary measures sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na pamilya at duon sa mga itinuturing na near-poor o pamilya na may kita na mababa sa P23,000 per month.

Nuong nakaraang Miyerkules nilagdaan na ng Pangulong Ferdinand Marcos ang P5.768 trillion General Appropriations Act (GAA) kung saan dalawang provisions ang na-veto ang revolving funds ng Department of Justice at ang implementasyon ng Career Executive Service Development Program.

Ayon kay Rep. Co ang 2024 national budget ay maituturing na true budget na naka sentro sa 70 percent Filipinos na nasa kategoryang near-poor.

Nilinaw ni Co na ang unprogrammed funds ay hindi na bago at umaasa ito na magkaroon ng excess na kita ang gobyerno ng sa gayon matustusan ng gobyerno ang pamamahagi ng ayuda sa mga nangangailangan ng tulong.

Partikular na tinukoy ng Kongresista ang pinalawak na ayuda para sa AKAP (Ayuda sa Kapos ang Kita) program na isang bagong programa para sa 12 million household Filipinos na near poor Filipino families.