-- Advertisements --

naasahan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na tatalima ang Senado sa desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa pagbubukas ng 20th Congress.

Ayon kay Estrada, mahalaga ang pasyang ito bilang paalala na kahit ang mga kasong may layuning panagutin ang mga opisyal ay dapat pa ring nakabatay sa legalidad at tamang proseso.

Dagdag ng senador, bilang isang kapantay na sangay ng pamahalaan, dapat igalang at sundin ng Kongreso ang desisyon ng Korte Suprema.

Aniya, kahit na ang impeachment ay isang prosesong pulitikal, ito ay dapat pa ring isakatuparan nang naaayon sa batas at tamang proseso upang matiyak na ang mga hakbang ay hindi basta-basta lamang o ginagabayan ng pansariling layunin sa pulitika.

Sa huli, sinabi ni Estrada na ngayon ay maaari nang ituon ng Kongreso ang pansin sa mga isyung kinakaharap ng bansa, kabilang na ang mga pinsalang dulot ng magkakasunod na bagyo.