Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang apat na Chinese national sa isinagawang operasyon sa isang condominium unit sa Parañaque City.
Ang operasyon ay isinagawa mismo ng Criminal Intelligence Division ng NBI sa bisa ng arrest warrant sa isang unit ng condo doon.
Sa kasagsagan ng operasyon ay napansin ng mga otoridad ang kahina hinalang aktibidad sa kalapit na unit.
Naaktuhan mismo ng mga operatiba ang naturang mga Chinese national an itinatapon ang kanilang mga laptops at mobile phones sa bintana ng condo.
Matapos na pasukin ng mga otoridad ang naturang unit , tumambad sa kanila ang ilang mga computers at electronic equipment na ginagamit sa online scamming .
Nagkalat rin sa sahig ang mga laptops, cellphones, at maging mga tablets.
Ang apat na naarestong Chinese national ay kasalukuyang naka detene sa NBI facility at mahaharap sa mga kasong may kinalaman sa paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act.